"Dear Nanay"
by: Khai
Siyam na buwan mo kong dala-dala,
Hanggang sa iluwal mo ang una mong prinsesa (chos!)
Alam ko po na paminsan matigas ang aking ulo,
Pero kailanma'y saakin ay hindi ka sumuko.
Siyang umaakyat sa entablado tuwing ako'y may karangalan,
Siyang pag walang laman si Sikmura, gagawan ng paraan.
Siyang 'perpektong anak' ay kailanma'y hindi hinangad,
Ikaw, at ikaw lamang ang kanyang numero uno'ng prioridad.
Kailanma'y hindi ka nawala sa puso ko,
Biruin mo, pati ang pinakamaliliit na bagay, pinaaalala mo.
Sa iyong mga kamay ko nararamdaman ang 'forever' na pagmamahal,
dahil tinuruan mo kong maging malakas, huwaran, at BANAL
Tinuruan mo kong pangalagaan ang aking pangalan.
Maging sa mga una kong hakbang, ako'y iyong sinubaybayan.
Siyang dinadaldal kapag walang nakikinig sa aking mga drama.
Pati ba naman sa pag s'stalk kay crush, kakonchaba pa kita! :)
Nag iisa ka lang sa sansinukob,
Regalo ka pa ng tadhana sa buhay ko!
Sa pag-ibig ma'y maligaw ako ng landas,
alam kong may nanay akong nagmamahal sa akin ng wagas!
Palagi ko po tinatanong sayo kung mahal niyo ko,
palagi kong kine'kwestyon kung proud nga ba talaga kayo.
Ngayon, napagtanto ko na kayo pala dapat ang ika'proud 'netong batang 'to
kasi ginagampanan mo ang tungkuling bigay ni Papa God sayo.
Ang propesyong ito'y wala sa kolehiyo,
Hindi kinakailangang pumasok pa sa opisina, hindi sume'sweldo.
Walang 'break time - break time' sa lengguahe na ito.
dahil ito ang trabahong panghabang buhay na titingalain ko...
Ang pagiging 'Full time' Nanay ko. :)
This is simply beautiful khai. Great job!
ReplyDelete